10
TINDIG BANSANG PILI NG DIOS
Bonifacio
Mapalad ang baying Kanyang ibinukod. Awit 33:12
1
Tindig, bansang pili ng Dios,
tanging bayang ibinukod,
Sigaw ng pakikihamok,
dinggin ninyong walang takot
Chorus (Koro)
Ebanghelio ang watawat, Ebanghelio ang sagisag,
Ipangaral at ihayag sa mga dukhang nabihag.
2
Kalaba’y inyong lusubin,
ibandila ang layunin,
Hirap, h’wag alintanahin
dahil sa mga salarin.
3
Sundan banal Niyang buhay,
bakas Niya ay lakaran,
Laan ang putong ng buhay,
mula sa Dios ay kakamtan.
4
Tindig bansang pili ng Dios,
sugong dapat na maglingkod,
Awit ng puri’y ibuhos
nang mal’walhati si Jesus.
- Arranged by
- FCCabildo
Imnario page 27