105
ANG BANDILA, KRISTIANO’Y IWAGAYWAY
True Hearted, Whole Hearted
Aming itataas ang aming watawat. Awit 20:5
1
Ang bandila, Kristiano’y iwagayway,
At itaas sa iyong harapan,
Ang Haring Dios ay paglingkurang tunay,
At magpatuloy nang magtagumpay.
Chorus (Koro)
H’wag katakutan ang mga lilo
Na nagabang sa mga landas mo,
Palaganapin, aral ni Cristo,
At tatagan ang kalooban mo.
2
Ang bandila, Kristiano’y iwasiwas,
Aral ni Cristo’y iyong ihayag,
Bagong balita ngayon ay ikalat,
Hanggang moog ng sama’y mawasak.
3
At tupdin mo, Kristiano, mga utos
Ng Panginoon nating si Jesus,
H’wag pansinin ang mga dusa’t pagod,
Ang gantimpala’y kakamting lubos.
- Music
- GCStebbins
Imnario page 121