Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Banal na Kasulatan

12

SA KANYANG PANGAKO’Y NANININDIGAN

Standing On the Promises of God

Ipinagkaloob sa atin ang Kanyang mahalagang pangako. 2 Ped. 1:4

1

Sa Kanyang pangako’y naninindigan,

Pupurihin ko Siyang buong buhay;

Ang Kanyang l’walhati ang isasaysay,

Sa tipan ng Dios ay tiwasay

Chorus (Koro)

O panatag, matatag ako sa aking Mangliligtas;

O panatag, sa Dios ang buhay ko ay matatag

2

Pinaninindigan kong ito’y tunay;

Pinatawad ang aking kasalanan,

Kay Jesus ako ay may kalayaan,

Sa tipan ng Dios ay tiwasay

3

Aking pinaninindigang matibay;

Tawag ng Banal na Diwang patnubay,

Si Jesus ay aking tanging kanlungan;

Sa tipan ng Dios mananangan.

Pinaninindigan kong walang tinag,

Daluyungin man ako ng bagabag;

Ang magwawagi’y banal Niyang Sulat,

Sa tipan ng Dios ay matapat.

Lyrics
Vedasto DeMesa Diolanda probable · printed as VDDiolanda
Music
RKCarter

Imnario page 29