16
ANG KARIMLAN NG GABI’Y LUMIPAS NA
It Is Morning In My Heart
Kagalakan ay dumarating sa kinaumagahan. Awit 30:5
1
Ang karimlan ng gabi’y lumipas na,
Sa puso ko’y umaga;
At ako’ y nabubuhay na masaya,
Sa puso ko’y umaga.
Chorus (Koro)
Umagang-umaga na sa puso ko,
Hinawing lahat ang luksang anino;
May galak ang awit ko,
Pagka’t hari’y si Kristo,
Umagang-umaga na sa puso ko
2
Awit ng ibo’y aking naririnig,
Sa puso ko’y umaga,
Buhay ko ay bago nang aking batid,
Sa puso ko’y umaga.
3
Sa puso’y lalagi ang kagalakan,
Sa puso ko’y umaga,
Awit ko’y tuwa sa kabilang pampang,
Sa puso ko’y umaga.
Ginawang Eden ni Kristo ang mundo.
Sa puso ko’y umaga;
Tungkuli’y sa pag-ibig ang tanaw ko,
Sa puso ko’y umaga.
- Lyrics
- Vedasto DeMesa Diolanda probable · printed as VDDiolanda
- Music
- AHAckely
Imnario page 33