173
PAGMASDAN MO’T MALAPIT NA
O Happy Day
Magalak kayo at ipagdiwang ang Kanyang pagliligtas. Isa. 25:9
1
Pagmasdan mo’t malapit na
Ang himpilang pinipita;
Hayun sila, sama sama
Sa pintua’y papasok na.
Chorus (Koro)
Kung ako at ikaw
Ay tawagin sa hukuman,
Sa paglapit sa hagdanan
Sa pinto ng kalangitan,
May laang tahanan
Kung magtapat habang buhay
2
Ako’t ikaw ‘y nararapat
Manatili sa liwanag;
Na kaakbay sa pangarap
Ang tagumpay hanggang wakas.
3
Ating luha ay pahirin
At aliwin ang damdamin;
Mga dawag sa lakbayin
Sa ‘ting landas ay hawanin.
4
At kung ikaw saka ako,
Matapos na sa pagtakbo,
Magkikitang lahat tayo,
Mamamasdan ay si Cristo
- Music
- EFRimbault
Imnario page 189