Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Kulto Ebanghelistiko

189

HALINA KAY JESUS

Blow Ye the Trumphet

At turuang sumunod sa lahat ng ipinaguutos Ko. Mat. 28:20

1

Halina kay Jesus,

At tayo’y sumunod,

Nang makamtang lubos

Ang ligayang puspos.

Chorus (Koro)

Ngayon nga ang kaarawan,

Ngayon nga ang kaarawan,

Paglapit na sakdal inam.

2

Hipan ang tambuli

Sa lahat ng lipi,

Ating ipagbunyi

Araw ng l’walhati.

3

Dapat ipahayag,

Sabihin sa lahat,

Cristo, ang nagligtas,

May buhay na gawad.

Si Kristo’y purihin.

At t’wina’y sambahin,

Tawagang taimtim

Nang pala ay kamtin.

Tayo’y magbalikwas,

Tiisin ang hirap,

Kung dinggin ang tawag,

Kakamti’y patawad.

Lyrics
Vedasto DeMesa Diolanda probable · printed as VDDiolanda
Music
LEdson

Imnario page 205