193
SA KABILA NG NAGLAHONG ARAW
Beyong the Sunset
1
Sa kabila ng naglahong araw
May sumisilay na liwayway,
Nagtatapos ang lupang tahanan
At simula ng bagong buhay.
2
Wala nang ulap, walang linggatong,
Wala nang takot maparool;
Sa kagalakan ay maglulunoy
Sa kabila ng dapit hapon.
3
Duon sa langit makakapiling
Ang nangaunang mahal natin;
Ang kaulayaw, si Cristong giliw
Sa kabila ng takipsilim.
- Lyrics
- Rev. Arcadio Cabildo probable · printed as AGCabildo
- Music
- BKBrock
Imnario page 209