Misyon at Pang-daigdig na Samahan
195
TUBIG NG BUHAY
Springs of Living Water
Ang nauuhaw ay kumuhang walang bayad ng tubig ng buhay. Apoc. 22:17
1
Ako ay nauhaw sa laot ng sala
Walang masumpungang kasiyahan
Nguni’t sa krus ni Cristo minsa’y napunta
Na may saganang tubig ng buhay.
Chorus (Koro)
Ininom ko ang tubig ng buhay
Ngayo’y maligaya, puso at kaluluwa
Ininom ko ang tubig ng buhay
Sagana’t kahangahangang tunay.
2
Anong tamis tubig na kaloob ng Dios!
Ligaya at galak ang s’yang dulot
Ngayon sa buhay ko biyaya ay lubos
Laging inaawit ay si Jesus.
3
O makasalanan, tayo sa kalbaryo
May tubig ng buhay para sa’yo
Patuloy ang pagtawag ni Jesu Cristo
Nais N’yang pawiin ang uhaw mo.
- Lyrics
- Rev. Honorio Rivera probable · printed as HRivera
- Music
- JWPeterson
Imnario page 211