Misyon at Pang-daigdig na Samahan
197
MAGING SA KABUNDUKAN
If Jesus Goes With Me
Ang Panginoon ay suma-akin. 2Tim.4:17
1
Maging sa kabundukang batbat ng panganib,
At maging sa tagaraw na ako’y tahimik;
Ito’y aking alam, sa lugod o hapis,
Si Cristo’y kaakbay sa bawa’t saglit.
Chorus (Koro)
Kung si Jesus ang kaakbay saan man
Ay langit ko nang kapiling lamang Siyang tunay;
At tangi kong kapalarang krus N’ya’y pasan,
At lalakad kung kaakbay saan man.
2
Kung aking bahagi’y sa sariling bayan
Pagka’t iba’y sakbibi ng hirap sa buhay,
Diko itatanging Siya’y isalaysay
Sa nangagsisisi, kahit saan man.
3
Ako’y di magsusuri sa pasiya ng Dios
Susundin kong masusi ang Kanyang patnugot,
Sa pamamalagi sa malayong pook
Kasama lang lagi ako’y may lugod.
- Lyrics
- Vedasto DeMesa Diolanda probable · printed as VDDiolanda
- Music
- CAMiles
Imnario page 213