204
NGALANG JESUS AY MATAMIS
The Name of Jesus
At ang pangalang itatawag mo sa Kaniya ay Jesus. Mat.1:21
1
Ngalang Jesus ay matamis,
Iniibig kong marinig,
Kaligayahan ko’y labis,
Kung ngalan n’yay masambit
Chorus (Koro)
Ngalan n’yay anong tamis,
Ngalang walang kaparis,
Lagi kong dinadalit,
Purihin sa pag awit.
2
Kung ngalan n’ya ay tawagan,
Lungkot ko ay napaparam,
Ang pighati’t agam agam,
Napapawing lubusan.
3
Si Jesus kong minamahal,
Pangalan N’ya’y sakdal inam,
Lunas siya’t kaaliwan
Sa hapis at hirap man.
4
Ngalan Niya’y pagka ning-ning,
Liwanag ng nasa dilim,
Sa paglakad at gawain
Ay patnubay sa amin.
Imnario page 220