208
O DAKILANG PAG-IBIG
O Love Divine and Golden
At sila’y magiging isang laman. Gen.2:24
1
O dakilang pagibig na kamangha-mangha,
Sa’yo ang daigdig, ay tumitinging pawa.
O dakilang pagibig na s’yang nagpapala,
Sa mayaman mong dibdib, ang mundo’y payapa
2
O pagsintang dalisay, Ikaw ang kumilos,
Sa lahat ng tahanan ikaw ang alindog,
Ang di mo pinagyama’y magulong pagirog,
Inayos mong tahana’y tahanang may lugod.
3
O Dios, pagpalain Mo, dal’wang pinagisa,
Na laging magsasalo sa dusa’t ligaya.
Sa paghahanda dito, bigyan ng ginhawa
Gayon din managana sa t’wang walang hangga
- Music
- JBDykes
Imnario page 224