Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Pagluwalhati at Pagpapasalamat

213

KAPANATAGANG MALIGAYA

Blessed Assurance

Natutuwa? Awitin ang mga pagpupuri. Sant.5:13

1

Kapanatagang maligaya

Ang idinulot ng ating Ama,

Sa kaluluwang nagkasala

Na nahahanda sa parusa.

Chorus (Koro)

Laging aawit gabi’t araw

Sa pagpupuring walang humpay,

At ang kay Cristo na pangalan

Ay l’wlahatiing walang hanggan.

2

Tunay na hain ng pagsuko,

Samong dalisay na may pagsuyo,

Labing malinis, bagong puso,

Ang iaalay kong pangako.

3

Bunga ng aking pananalig,

Sa Dios at tao ay isusulit;

Kaligayaha’y makakamit

Sa Dios na aking iniibig.

Music
JFKnapp

Imnario page 229