Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Pagsamba at Pagpupuri

223

KORDERO’Y PUTUNGAN SA KANYANG LUKLUKAN

Crown Him With Many Crowns

Napuputungan Siya ng maraming korona. Apoc.19:12

1

Kordero’y putungan sa Kanyang luklukan,

Makalangit na awitan, s’yang mapapakinggan.

Tindig, papurihan S’yang nagbigay buhay,

Haring di mapapantayan magpakailan pa man.

2

Ang Hari ng buhay, ngayo ay putungan,

Sa laranga’t sa libingan S’ya ay nagtagumpay;

Ang kal’walhatian Niya ay isaysay,

Ang buhay na walang hanggan, sa ‘ti’y inilaan.

3

Putungan ang Hari ng kapayapaan,

Saklaw ang buong sinukob ng kapangyarihan;

Ang paghahari N’ya’y walang katapusan,

Dalangin at pagpupuri sa Kanya’y ialay.

4

Hari ng pagibig, ngayon ay putungan,

Tagilira’t kamay Niya sa ‘ti’y nasugatan;

Kaya’t kami Jesus, sa ‘yo’y nagtatanghal,

Purihin Ka’t ipagbunyi magpakailan pa man.

Lyrics
VGCabildo
Music
GJElvey

Imnario page 239