230
KORDERO’Y PASALAMATAN
Jesus Shall Reign
Salamat sa Dios sa Kanyang kaloob. 2Kor 9:15
1
Kordero’y pasalamatan
Sa biyayang kinakamtan;
Tayo’y hindi babayaan
Sa ating ikabubuhay.
2
Madilim nating kahapon,
Pinagliwanag N’ya ngayon;
Tayong sa sala’y kinaon,
Magpuri habang panahon.
3
Kay Jesus tayo tumawag
Upang tayo’y mangaligtas;
Kung sa Kanya’y payayakap,
Tayo’y magiging mapalad.
4
Si Jesus na magiliwin
Ang awitan at purihin;
Samo natin ay diringgin,
At tayo’y di itatakwil
Tayo ay ipag-aadya
Sa daya ng palamara.
Buhay nating nagdurusa.
Papalitan ng ginhawa.
- Lyrics
- ALazaro
- Music
- JHaton
Imnario page 246