Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Tungkol sa Dios

250

KUNG MASDAN KO ANG LAHAT NG NILIKHA

How Great Thou Art

Dakila si Yahweh, dapat papurihan. Awit 48:1

1

Kung masdan ko ang lahat ng nilikha

Ng kamay mo na lubhang dakila,

Kung tingnan kong may puspos na paghanga,

Ginawa Mo na buhat sa wala .

Chorus (Koro)

1 at 2

Sumisigaw, O Dios ang puso ko:

Dakila ang pagibig Mo;

At ang awit ng puso sa Iyo,

Dakila ang pagibig mo

3 at 4

Awit sayo ng aking kaluluwa:

Dakila Ka, aking Ama!

Awit sa’yo ng aking kaluluwa:

Dakila Ka, dakila Ka!

2

Kung sa kulog, Ikaw ay nagsasaysay,

O sa bulong ng hanging amihan;

Kung sa kidlat ang kislap ay mamasdan

At sa dagat, bahaghari’y tanaw.

3

Sa ilaw ng buhay na walang maliw

Ang krus sa’kiy nagbabalik man din;

Bagbag puso na aking aawitin:

Panginoon, ako ay tanggapin.

4

Kung dumating Kang nasa mga ulap,

Kukunin ang kasintahang tapat;

Kung makamtan ang ligayang pangarap:

Panginoon, kasiyaha’y ganap.

Lyrics
Vedasto DeMesa Diolanda probable · printed as VDDiolanda
Music
SKHine

Imnario page 265