258
ANG ARAW NG KAGALAKAN
Our Day Of Joy Is Here Again
Umalis ang mga pastol na nagpupuri sa Dios. Luc.2:20
1
Ang araw ng kagalakan
Narito na naman,
Hukbo ng langit samahan
Sa pagaawitan.
Chorus (Koro)
Awitin ang l’walhati
Sa Panginoong Hari,
Kapayapaang lagi
Ang ating pagbati.
2
Ang kadilimang laganap
Sa lupang nasadlak,
Nang si Jesus ay ianak
Dagling nagliwanag.
3
Humayo na sa Bethlehem
At ating sambahin,
Sangggol payapang nahimbing
Sa dayaming Belen.
4
Si Cristo’y nagpakababa
Siya na dakila,
Upang makamtan ng madla
Regalong biyaya.
- Lyrics
- Rev. Arcadio Cabildo probable · printed as AGCabildo
- Music
- ALSkoog
Imnario page 273