LUMAPIT ANG MAY SALA
Come Unto Me, Ye Weary
Magsiparito sa Akin, kayo’y Aking pagpapahingahin. Mat.11:28
Lumapit ang maysala, pusong may balisa.
Magtatamong ginhawa sa aking pagsinta.
Lapit na ngayon din, sa aking paggiliw,
Lapit na ngayon din, patawad tanggapin.
Ang may lungkot at hapis, sa aki’y lumapit,
Ligaya’y ibinibihis, sa may dusang dibdib.
Lumapit ang may hirap, pusong may bagabag,
Sa Akin ay tumawag, kakamtan mo’y habag.
Lapit ang may damdamin,
Ang tawag Ko’y dinggin;
Ang pusong may hilahil,
Aking aaliwin.
27
HALINA AT LUMAPIT
(His Eye Is On the Sparrow)
Higit kayong mahalaga kaysa mga maya. Luc.12:7
Halina at lumapit sa Dios ng pag-ibig,
At sa Kanya’y isulit ang lahat ng hapis,
Mapapawi ang dusa, dagling giginhawa;
Kung kalinga N’ya ang maya,
tayo ma’y kalinga N’ya;
Kung kalinga N’ya ang maya,
tayo may kalinga N’ya.
Sa puso’y may ligaya, tayo’y malaya na.
Kung kalinga N’ya ang maya, tayo ma’y kalinga N’ya.
Kung kalul’way may sala, laging nababakla,
Waring walang pag-asa, lumapit sa Kanya,
May pagpapala t’wina dahil sa pagsinta;
Kung kalinga N’ya ang maya,
tayo ma’y kalinga N’ya;
Kung kalinga N’ya ang maya,
tayo ma’y kalinga N’ya.
Puso ay bibihisan ng t’wa’t kagalakan,
At kakamtin ang buhay na sa ati’y laan,
Siya’y ating kasama saan man humangga.
Kung kalinga N’ya ang maya,
tayo ma’y kalinga N’ya;
Kung kalinga N’ya ang maya,
tayo ma’y kalinga N’ya.
- Music
- CHGabriel
Imnario page 43–44