260
KAY INAM DINGGIN
Jingle Bells
At inihiga sa isang pasabsaban. Luc.2:7
1
Kay inam dinggin ang tugtog ng kampana
Araw ng pasko ibinabadya;
Ang pistang bayan hintay ng madla
Ipinagsisigawan ang mabuting balita.
Chorus (Koro)
Ding, dong, ding, ding, dong, ding,
Kay inaman dinggin,
Kay ganda at kay lambing
Tunog na mataginting (2x)
2
Kung tumutugtog, batingaw ng simbahan,
Ang bawa’t puso’y nasisiyahan;
Sinasariwa ang kasaysayan,
Nang si Jesus ay ianak sa munting sabsaban.
- Lyrics
- Rev. Arcadio Cabildo probable · printed as AGCabildo
- Music
- Di-kilala
Imnario page 275