MUNTING BAYAN NG BETHLEHEM
O Little Town of Bethlehem
Bethlehem...mula sa iyo lalabas ang magpupuno sa Israel. Mikas 5:2
Munting bayan ng Bethlehem, Habang nahihimlay,
Sa langit mo, mga bit’win, Ay nangaglalakbay.
Sa daa’y nagniningning, Walang hanggang tanglaw,
Sa’yo ngayon ay dumating, Pag asa at buhay.
Nang si Jesus ay isilang, Nagdiwang ang langit,
Samantalang nahihimlay, Ang buong daigdig;
Tala’y nagbabalita, Ng Batang marikit,
Sa tao’y ibinibigay, Ang kanyang pagibig.
Mapitagan at banayad, Na ihahandog,
Ng dakilang mga pantas, Ang bawa’t kaloob.
Ginto, kamanyang, mira, Ang kanilang dulot
Sa paanan ng sumilang, Ating Mananakop
Batang banal ng Bethlehem, Ang aming dalangin
Puso namin ay linisin, At doon humimpil.
Tinatanggap ang bilin, Sa awit ng anghel,
Mananahan Ka sa amin, Haring Emmanuel.
- Lyrics
- Vedasto DeMesa Diolanda probable · printed as VDDiolanda
- Music
- LHRedner
Imnario page 277