Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Tungkol sa Dios

276

SA PAG-IBIG NA SAGANA

In Loving Kindness

Ipinadama ng Dios ang Kanyang pag-ibig sa atin. Rom.5:8

1

Sa pagibig na sagana

At kay Jesus na biyaya,

Ako’y nilinis na kusa

Sa sala kong lubha.

Chorus (Koro)

Sa lusak kasamaan,

Ako’y Kanyang hinugasan,

Ang pighati’t kalungkutan

Ay pinawi ng paminsan

2

Sa noo N’ya ay natitik

Ang sugat ng mga tinik

Sa palad N’ya ay naukit,

Tanda ng pagibig

3

Ako’y ligtas sa biyaya

Dahil kay Jesus na awa,

Kaya ako’y nahahanda

Aking ibalita.

Lyrics
MBanting
Music
CHGabriel

Imnario page 291