292
PAGDATING NG ARAW
When the Roll Is Called up Yonder
Sa araw na yaon, bababa ang Panginoo mula sa langit. 1Tess.4:16
1
Pagdating ng araw na ating pinakahihintay
At ang bagong araw’y ating mamasdan,
Kung lahat ng naligtas ay magtipon na sa pampang,
Naroon akong may putong ng buhay.
Chorus (Koro)
Sa wakas napagtipon
Sa harap ng Tagahatol
Sa wakas napagtitipon
Sa pagtawag N’ya ako’y naroroon.
2
At sa araw na yaong magbangon ang mga banal,
Mahahayag ang kanyang kal’walhatian,
Kung yaong hinirang
N’yay magtipon nang may kat’waan,
Naroon akong may putong ng buhay.
3
Tayo’y maglingkod sa Dios hanggang
tayo’y may panahon,
Pagliligtas N’yay ating dalhin ngayon,
Nang upang kung dumating ang
araw ng paghuhukom
May putong tayong tatanggapin doon.
- Lyrics
- Abesamis-Fajardo
- Music
- JMBlack
Imnario page 306