Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Iba’t-ibang Pagkakataon

348

NAGKAKAISANG PAHAYAG NG PAGDIRIWANG

Imno sa 100 taong pagkatatag ng IEMELIF

Chorus (Koro)

Salamat sa pagkupkop sa sandaang taong singkad;

Sa buhay ng IEMELIF simula sa pagkatatag;

Unang Iglesiang Pilipino sa sariling sikap

kayang magtaguyod, mamahala at magpalaganap.

Purihin ang Panginoon, ang Dios ng lupa at langit,

Balong ng buhay, saganang biyaya at pag-ibig.

Kami ay sama-sama nagtataas ng pangitinig.

Upang ihayag ang damdamin ng pusong umaawit.

Sapin saping hirap at pagsubok ang pinagdaanan,

Nanindigan, nanaig na ang Dios ang tanging inaasahan.

Hawak kamay kawing bisig kawal ng katotohanan.

Ebanghelyo ang watawat. Dios ang moog at kanlungan.

Ang IEMELIF, unang iglesiang Ebanghelica sa banda;

Sa sentenaryo, taas noon a humarap sa madla,

Patuloy na naglilingkod sa Dios, sa bayan at kapwa.

Sa Dios lahat ng papuri sa atin ang pagpapala!

Halina at tayo’y magdiwang. Umawit at sumamba.

Sa Dios lahat ang papuri Lalhating walang hangga.

Iglesia Ebanghelica Metodista

Dakilang pamana. Pamana!

Lyrics
Rev. Arcadio Cabildo probable · printed as AGCabildo
Music
SRACaballes

Imnario page 352