6
WALA AKONG KARAPATAN
Just As I am
May Tagapamagitan tayo sa Ama, si Jesu-Cristo. I Juan 2:1
1
Wala akong karapatan,
lumapit sa ‘Yong paanan,
Makibahagi sa dulang
dahil sa’king kasalanan.
2
Gayon ma’y naglakas loob,
sa harapan Mo’y dumulog,
Alang-alang sa pagsakop
ni Kristo na Manunubos.
3
Nagsisisi akong tunay
sa lahat kong kasalanan,
Ang patawad Mo’y
pakamtan sa imbi kong kalagayan.
4
Patawarin ako, Ama,
sa lahat kong naging sala
Linisin ng dugo Niya
na tinigis sa pagsinta.
5
Kalikasan ko’y baguhin,
Dios na lubhang magiliwin;
Diwang Banal ay suguin
sa puso ko’y paghariin.
- Music
- WBBradbury
Imnario page 23