Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Buhay Kristiano

62

WALANG KAILANGAN SA AKIN ANG LAHAT

Let the Sunshine In

Sino ang maghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo? Roma 8:35

1

Walang kailangan sa akin ang lahat,

Maging kayamanan man o pananalat,

Kahit sumigabo ang matinding hirap,

Kung ang Dios ang kaakbay.

Chorus (Koro)

Kung Dios ang kaakbay (Ang ating kaakbay)

Kung ang Dios ang kaakbay (ang kaakbay)

Walang kailangan kahit kamatayan,

Kung ang Dios ang kaakbay

2

Walang kailangan saan man dumatal,

Di mangingilabot, ako’y laging laan,

Kutya’t paguusig sa’ki’y sukal lamang,

Kung ang Dios ang kaakbay

3

Walang kailangan ang yaman at dangal

Ligaya at galak na may katapusan,

Buhawi ma’t bagyo’y di makahahadlang,

Kung ang Dios ang kaakbay.

4

Walang kailangan kahit kamatayan,

Sa pagganap ko ng aking katungkulan,

Sa bawa’t sandali ako’y handang tunay,

Kung ang Dios ang kaakbay.

Lyrics
Bishop Lázaro G. Trinidad · printed as ObLGTrinidad

Imnario page 79