64
AKING NALALAMANG IKAW, O JESUS
My Jesus, I Love Thee
Siya ang umibig sa atin. 1 Juan 4:10
1
Aking nalalamang ikaw O Jesus,
Ang aking pag-ibig at manunubos,
Ako’y iniligtas, iyong sinakop,
Ikaw ang s’yang tanging mahal kong lubos
2
Ikaw ang sa aki’y unang umibig,
Ako’y pinatawad, dugo’y natigis
Ikaw ang sa aki’y nagpakasakit,
Kaya’t ang handog ko’y aking pag-ibig.
3
Hanggang kamatayan ikaw ay mahal,
Kita’y pupurihin sa habang buhay,
Aking isasaysay kahit saan man,
Ang pagmamahal mong lubhang dalisay.
- Lyrics
- NBAbesamis
- Music
- AJGordon
Imnario page 81