69
MAHIRAP ANG MABUHAY
Stand Up for Jesus
Maghari sa inyong puso ang kapayapaan ni Cristo. Col.3:15
1
Mahirap ang mabuhay sa lupang ibabaw,
Marami ang kaaway, puso mo’y tibayan.
Ikaw ay uusigin sa lantara’t lihim,
At hahamak –hamakin ang mga gawain.
2
Sa layuning mainam, ikaw’y pipintasan,
Iyong gawing saligan ang kay Cristong buhay;
Siya ay nagpatuloy sa dakilang layon,
Kahit anong linggatong ay hindi umurong.
3
Kung ang minimithi mo’y bayang paraiso,
Piliting matanggap mo ang aral ni Cristo,
H’wag mong kalilimutang kay Cristo kakamtan
Ang lunggati mong buhay sa langit na bayan.
- Lyrics
- Bishop Lázaro G. Trinidad · printed as ObLGTrinidad
- Music
- GJWebb
Imnario page 85