SAMANTALAHIN MO
At Your Door
Gawin ang mga gawa samantalang araw. Jn.9:4
Samantalahin mo ang buhay at lakas
Na pautang ng Dios sa lahat ng oras;
Maglingkod kang tapat, ihanda ang bukas,
Ngayon ang panahon, tindig, magbalikwas.
Sa puso mo ay pakiramdaman
Ang tibukin ng buhay.
Doon ang Diyos ay nagsasaysay;
Marami ka pang utang
Samantalahin mo ang araw at gabi,
Ang bawa’t sandali ay maipagsilbi;
Pagtitipong banal, daluhang parati
Pagka’t diwa ng Dios, doon ay may kasi.
Samantalahin mo ang pagtawag ng Dios,
H’wag mong patigasin ang pusong malambot;
Sikad sa matulis ay nakatatakot,
Gayon din ang laging sa Dios ay paglimot.
Samantalahin mo ang mga araw mo
Na maipaglingkod sa piling ni Kristo,
Sapagka’t ang bawat araw ay utang mo
Kay Hesus na tanging umibig sa iyo.
Samantalahin mong paka-gunitain
Ang mga biyaya at buhay na angkin
Ay hindi sa iyo, Kundi sa Dios galing,
Kaya’t tungkulin mong Dios ay laging sundin.
- Lyrics
- CPamintuan
- Music
- RHarkness
Imnario page 94