90
SA IYO, O AMA
Blest Be the Tie that Binds
Tayo ay lumapit, sa Kanya’y sumamba. Awit 95:6
1
Sa Iyo, O Ama, ay tumatalaga
Ngayon sa aming pagsamba, Ikaw ang manguna
2
Kami’y dumudulog, sa ngalan ni Jesus,
Puso ay linising lubos ng dugong umagos.
3
Sa pagwawagayway ng banal Mong aral,
Nawa sa ami’y ibigay, Espiritung Banal.
4
Tulong Mo’y igawad, magkaisang lahat,
Maging ilawang ningas, magpahanggang wakas.
Amen.
Ang aming gawain,
Ngayo’y pagpalain,
Ang bawa’t tao’y ibiging
Mahango sa lagim.
- Lyrics
- PdeGuzman
- Music
- HGNageli
Imnario page 106