93
SI JESUS ANG SIYANG DAAN
Rock of Ages
Sumagot si Jesus, “Ako ang daan”. Juan 14:6
1
Si Jesus ang S’yang daang marapat na lakaran;
Di ako maliligaw sa landasin ng buhay;
Sa gitna ng karimlan, Ilaw na tumatanglaw.
2
Hanggang may lakas ako, may tibok ang puso ko,
Susundin Kang totoo kahit saan mang dako
Na ako’y isugo Mo dahil sa Ebanghelio.
3
Ihahandog kong tunay kalul’wa at katawan,
Dunong at kayamanan, hanggang sa kamatayan;
At ako’y laging laan, o Jesus, aking mahal.
Ihahandog kong lahat
Ang wagas Mong pagliyag
Sa mga taong hamak
Nang sila ay maligtas;
Sa Iyo’y nanghahawak
Nang galak ay malasap.
- Lyrics
- Bishop Francisco Gregorio · printed as ObFGregorio
- Music
- THastings
Imnario page 109