Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Pagtatapat at Lakas ng Loob

100

SA DIGMA’Y PATNUBAY NATIN SI JESUS

Forward

Ipakikipaglaban kayo ng Panginoon. Ex.14:14

1

Sa digma’y patnubay natin si Jesus,

Hindi masisinsay ang Kanyang utos,

Mangyayaring balak N’ya’y di matarok

Nguni’t tayo’y susunod.

Chorus (Koro)

Sulong, sulong ating lakbayin,

Sulong, sulong nasang lupain,

Sulong, sulong ating awitin

Ang tagumpay, sa Hari natin.

2

Lakas ng kalaba’y di mananaig,

Si Cristo’y sandatang siyang panglupig,

Ang tabak ng Diwang Banal ang gamit,

Sunding walang tigatig.

3

Digma’y magngalit ma’y di magluluwat

Samahan natin ang hukbong mapalad,

Awit ng tagumpay ang ihahayag,

Kung sunding walang liwag.

Ang watawat natin ay iwagayway,

At mawawasak, moog ng kaaway,

Sa mundo, si Kristo’y magtatagumpay

Kung S’ya’y ating susundan.

Lyrics
Vedasto DeMesa Diolanda probable · printed as VDDiolanda
Music
GCTullar

Imnario page 116