99
NAIS KO SI JESUS
I’d Rather Have Jesus
Lahat inari kong sukal lamang upang tamuhin ko si Cristo. Fil.3:18
1
Nais ko si Jesus sa aking buhay,
Higit sa kayamanang hindi mabilang;
Higit ko S’yang nais sa lupa’t bahay.
Nais kong paakay sa Kanyang kamay.
Chorus (Koro)
Kaysa maghari sa sanlibutan,
Buhay makasalanan
Nais ko si Jesus kaysa anumang
Dulot ng Sanlibutan.
2
Nais ko si Jesus kaysa parangal,
Nais ko’y sumunod sa landas N’yang banal;
Nais ko si Jesus kaysa tagumpay.
Nais ko’y tagumpay sa Kanyang ngalan.
3
Higit pa sa liryo ang gandang taglay;
Higit S’yang matamis sa pulot pukyutan;
S’ya ang tugon sa madlang kailangan.
Nais kong si Jesus, sa’ki’y umakay.
- Lyrics
- Rev. Honorio Rivera probable · printed as H. Rivera
- Music
- GBShea
Imnario page 115