107
MGA KAWAL NI JESUS, TAYO’Y MAGSIKAP
Mangagbihis kayo ng buong kagayakan ng Dios. Efeso 6:11
1
Mga kawal ni Jesus, tayo’y magsikap,
Tindig, lakad;
Buong kagayakan ng Dios ay isakbat,
Ebanghelyo’y gawing watawat.
Chorus (Koro)
O Jesus, h’wag Mong pabayaang
Diablo ay magtagumpay,
Yamang Iyong nalalaman
Ang aming kahinaan.
O Jesus, samo’y kaawaan,
H’wag layuan ni saglit man,
Bagkus sa ami’y umagapay,
Nang kami’y magtagumpay.
2
Mga kawal ni Jesus, tayo’y lumabang
Buong tapang;
Ibigkis sa baywang ang katotohanan,
At baluti ay ang kat’wiran.
3
Mga kawal ng Dios, tayo’y magsihawak
Ng kalasag;
Sa pananampalataya’y ipahayag
Ang kanyang gawang pagliligtas.
- Lyrics
- Bishop Victoriano Mariano · printed as ObVMariano
Imnario page 123