Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Pagtatapat at Lakas ng Loob

108

DIOS NA MAHABAGIN

Even Me

Sa lahat kong sala, ako’y patawarin. Awit 25:18

1

Dios Ama na mahabagin,

Ang alipin Mo’y dinggin;

At kami ay marapating

Sa sala’y patawarin.

T’wina ay lingapin,

Nang biyaya ay kamtin.

2

Oh Jesus na Manunubos,

Dinggin ang aming luhog,

Ang biyaya Mong pagsakop,

Matanggap naming lubos,

Puspusin Mong lubos

Ng wagas na pag-irog.

3

O Espiritung dalisay,

H’wag kaming kaligtaan,

Na sa aming kalungkutan

Ay bigyang kaaliwan,

At kami’y akbayan

Sa mga paglalakbay.

Music
WBBradbury

Imnario page 124