MALAON AKONG NAWAGLIT SA LANDAS
Patnubayan Mo ako sa daang walang hanggan. Awit 139:24
Malaon akong nawaglit sa landas,
Tunay na liwanag ay di namalas;
Malaong biyaya’y di ko tinanggap,
Nguni’t ang pag-ibig N’ya’y hanggang wakas.
Ang araw sa langit ay tumatanglaw,
Dakilang biyaya ang ibinigay,
Nang una’y hapis, ngayo’y kat’waan
Mula nang dalangin ko ay pakinggan.
Sakali’t ikaw man ay nawawaglit,
Magbalikwas ka’t S’ya’y hanaping pilit;
Awa N’ya’y asahan mong makakamit,
Kung sa kay Jesus ay manunumbalik,
May laging patawad sa tumatanggap,
At sa maniwala ay may liwanag;
Puso mong pinid, sa Kanya’y ibukas,
Si Cristo sa’yo ang S’yang magliligtas.
Sa karimlan mo ay may liwanag ka,
May patawad sa marami mong sala;
Siya’y tanggapin sa puso’t kalul’wa,
May saganang buhay sa piling Niya.
- Lyrics
- ESantos
Imnario page 128