Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Panalangin at Pag-asa

113

MALAON AKONG NAWAGLIT SA LANDAS

Patnubayan Mo ako sa daang walang hanggan. Awit 139:24

1

Malaon akong nawaglit sa landas,

Tunay na liwanag ay di namalas;

Malaong biyaya’y di ko tinanggap,

Ngunit ang pag-ibig N’ya’y hanggang wakas.

Chorus (Koro)

Ang araw sa langit ay tumanglaw,

Dakilang biyayang ibinigay;

Nang una’y hapis, ngayo’y kat’waan,

Buhat ng dalangin ko ay pakinggan.

2

Sakali’t ikaw man ay nawawaglit,

Magbalikwas ka’t S’ya”y hanaping pilit;

Awa N’ya’y asahan mong makakamit,

Kung sa kay Jesus ay manunumbalik.

3

May laging patawad sa tumatanggap,

At sa maniwala ay may liwanag;

Puso mong pinid, sa Kanya’y ibukas,

Si Jesus sa’yo ang S’yang magliligtas.

4

Sa karimlan mo ay may liwanag ka,

May patawad sa marami mong sala;

Siya’y tanggapin sa puso’t kalul’wa,

May saganang buhay sa piling Niya.

Lyrics
ESantos

Imnario page 129