Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Panalangin at Pag-asa

116

DIOS, AKO AY IYONG MASDAN

O Love Divine, That Stooped to Share

Ang panalangin ng pananampalatay ay magliligtas. Sant.5:5

1

Dios, ako ay Iyong masdan

Sa aba kong kalagayan,

Sa hirap o ginhawa man,

Ikaw ang tinatawagan.

2

Akong hamak ay lingapin,

Sa sala ay patawarin,

Puso ko’y pakalinisin,

Karamdaman ko’y pawiin.

3

Kung ako ma’y di marapat

Sa mayaman Mong paglingap,

Alang-alang nasa hirap

Ni Jesus ko, ay mahabag.

4

Lubos akong nananalig,

Sa awa Mo at pag-ibig,

Sa ngalan Mo’y makakamit

Ang biyaya at tangkilik, Amen.

Music
HBaker

Imnario page 132