Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Buhay Kristiano

117

ANG BUHAY KO’Y ILAPIT

Safe in the Arms of Jesus

At sa ibaba ay ang Kanyang walang hanggang mga bisig. Deut.33:27

1

Ang buhay ko’y ilapit, at bigyang tangkilik,

Aking Jesus, ang nais, sa Iyo’y mahilig.

Ang aking pagpupuri sa Iyo’y parati

Nang laging manatili sa Iyong kandili.

Chorus (Koro)

Sa bisig Mo ay ligtas, Pusong may bagabag;

Sa dibdib Mong lingap, Kalul’wa’y panatag.

2

Sa piling Mo’y payapa, ligtas sa dalita;

Ang tukso’t pagdaraya, di napipinsala.

Kung Sa Iyo ang buhay, maginhawang tunay;

Ang daya ng kaaway, di mananagumpay.

3

Moog ka ng buhay ko at aking saklolo,

Matibay sa bisig Mo sa tukso ng lilo.

Dito ay maghihintay, dilim ay maparam,

Hanggang sa magliwayway sa gintong pasigan.

Lyrics
Bishop Lázaro G. Trinidad · printed as ObLGTrinidad
Music
WHDoane

Imnario page 133