118
ANG PAGLAKAD, ALALAYAN
Come Thou Fount of Every Blessing
Patnubayan Mo ako sa patag na landas. Awit 27:11
1
Ang paglakad, alalayan, O Amang minamahal,
Sa landasin kong marawal, nang ako’y di maligaw,
Sa mga pagpapala Mo, h’wag iwawalay ako,
Ang pag-ibig Mo’y saklolo sa lahat ng kilos ko.
2
Sa madawag na lakbayin samahan at akayin,
Upang tunay kong sapitin ang langit na mithiin.
Dios, tulungan araw-araw, pagtupad kong lubusan,
Sa banal Mong mga aral, sa gawa’t pamumuhay.
3
O Ama ang aking kilos patnubayan mong lubos;
Buhay ko ay itaguyod, sa langit na t’wa’t lugod.
H’wag Mo sanang pabayaan sa aking paglalakbay,
Nang ako ay magtagumpay sa hangarin kong banal.
- Lyrics
- PVAbesamis
- Music
- JWyeth
Imnario page 134