119
KAILAN NA NGA BA?
How Long Has It Been?
Magsipanalangin kayong walang patid. 1Tess.5:17
1
Kailan na nga ba ikaw’y nanalangin
At inihayag ang damdamin?
Kailan nagdasal ng mataimtim
Hanggang ang daing ay dinggin?
Kailan na nga ba ligaya’y inangkin
At nang naibsan ang pasanin?
Kailan mo nadamang ikaw’y mahal din
At palaging iibigin?
2
Kailan na nga ba ikaw ay lumuhod
Bago humiga at matulog?
Kailan natarok na sa pagluhog
S’ya ay laging sumasagot?
Kailan na nga ba paggising, pagdulog,
Ang pagpapala’y ibinuhos?
Kailan mo nga kaya dapat matalos,
Mahal na mahal ka ng Dios?
- Lyrics
- Rev. Arcadio Cabildo probable · printed as AGCabildo
- Music
- MLister
Imnario page 135