Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Panalangin at Pag-asa

120

KAY CRISTO’Y LUMAPIT

Go Bury Thy Sorrow

Ilayo mo ang kapanglawan sa iyong puso. Eccl.11:10

1

Kay Cristo’y lumapit ang taong hapis,

Sa Kanya’y isulit, ang iyong sakit;

Ang mga bagabag ay ipahayag,

Tiisin ang hirap, H’wag ka nang umiyak.

2

Idulog kay Cristo ang ligalig mo,

Ang Kanyang saklolo ay matatamo;

Sa Kanya’y ang lunas kakamting lahat,

Puso’y ipanatag, h’wag ka nang umiyak.

3

H’wag kang manghimagod, sunding may lugod,

Ang banal na utos ng dakilang Dios;

Ang Kanyang pahayag kakamting kagyat,

Langit ng pangarap, h’wag ka nang umiyak.

Music
FCCabildo

Imnario page 136