121
JESUS, TANGING IKAW LAMANG
Jesus, the Very Thought of Thee
Walang ibang pangalang ibinigay na sukat nating ikaligtas. Gawa 4:12
1
Jesus, tanging Ikaw lamang,
Ligaya’t tagumpay,
Ngayon ay kal’walhatian,
Hanggang walang hanggan.
2
Kung ala-ala kita
Jesus ang ligaya,
At kung mukha Mo’y makita
T’wa ay walang hangga.
3
Walang awit, diwa’t tinig,
Na makahihigit
Sa ngalan Mong sakdal tamis,
Buhay ng daigdig.
4
Pagasa ng sawing palad,
Sa may dusa’y galak,
Dinidinig ang pagtawag
Ng kalul’wang tapat.
Kahit ang nagbalik loob,
Di rin makatarok.
Tanging ang Kanyang pag-irog
Ang nakatatalos.
- Lyrics
- Vedasto DeMesa Diolanda probable · printed as VDDiolanda
- Music
- JBDykes
Imnario page 137