126
TANGING ARAW NG LIGAYA
Take the Name of Jesus With You
Gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus. Col.3:17
1
Tanging araw ng ligaya
Ang dulot ng Dios Ama,
Sa taong lugmok sa dusa,
Kung tatanggapin Siya.
Chorus (Koro)
Si Jesus na mahal
Ang pag-asa ng buhay;
Si Jesus na mahal
Ang kanlungang matibay.
2
Tanging kay Jesus na ngalan
Ang ating pananggalang
Sa pang-akit ng kaaway
Dito sa sanlibutan.
3
Hayo’t ating ipahayag
Ngalan ng Mangliligtas,
Upang ang napapahamak
Ay kusang magbalikwas.
- Lyrics
- BArgente
- Music
- WHDoane
Imnario page 142