127
TAOS PUSONG PANALANGIN
Sweet Hour of Prayer
Malaki ang nagagawa ng maningas na panalangin. Sant. 5:16
1
Taos pusong panalangin sa Dios,
lubhang mahabagin,
Ay s’ya nating dapat gawin,
pagpapala ay kakamtin.
Ipamagitan kay Jesus
lahat ng ating pagluhog;
Tutugunin tayong lubos,
puso nati’y malulugod.
2
Ang panalanging mataman,
tunay na pinakikinggan,
Sinasagot gabi’t araw,
at di ipagpapaliban.
Ang puso nating may dungis,
sa Panginoo’y ilapit,
Upang ang ating paghibik
ay magtamo ng tangkilik.
3
Kung tayo’y may karamdaman,
at may bagabag sa buhay
Hindi tayo matiwasay sa pighating tinataglay,
Kay Cristo tayo lumapit sa pagdalangi’t paghibik;
Sasagipin sa hinagpis alang-alang sa pag-ibig.
- Music
- WBBradbury
Imnario page 143