Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Buhay Kristiano

128

TAYO’Y MAGTIWALA, MAGPAKATIBAY

Come Ye Disconsolate

Magsilapit na may pagkakatiwala sa luklukan ng biyaya. Heb. 4:16

1

Tayo’y magtiwala, magpakatibay,

Umasa kay Jesus araw-araw;

Ang ating dalangin sa Dios ialay

May pagpapala tayong kakamtan.

2

S’ya’y l’walhatiin ng bawa’t may hapis,

At bibigyang aliw sa hinagpis;

Halina sa Kanya, tayo’y lumapit,

Ang kasalana’y ating ihibik.

3

Ang ating pagdaing, ilapit natin,

Ang pusong mahina’y palakasin.

Ang pagkakasala’y patatawarin,

Sa ngalang Jesus, tayo’y diringgin.

Amen.

Sa Kanya naroon ang kagalakan

Ng taong may lungkot at may damdam,

Magkaisang sala ay pahugasan,

Tayo’y dumulog, S’ya’y dalanginan.

Music
SWebbe

Imnario page 144