129
SI JESUS SA HARDI’Y NAGHIHINTAY
The Beautiful Garden of Prayer
Dumating sila sa isang lugar na tinatawag na Getsemane. Mar. 14:32
1
Si Jesus, sa hardi’y naghihintay,
Sa pook na lubhang mainam,
Ang taglay N’ya ay kaliwanagan
Sa hardin na panalanginan.
Chorus (Koro)
Sa harding maganda na panalanginan,
Naroon ang payapang buhay;
Si Jesus sa pinto’y laging naghihintay
Sa hardin na panalanginan.
2
Si Jesus, naghihintay sa atin,
Sa Kanya pasanin ay dalhin;
Malumanay N’yang tinig ay dinggin
Sa pananalanginang hardin.
3
Sa hardi’y naghihintay si Cristo,
Doo’y sasalubungin tayo;
Sa ‘tin S’ya’y makikihalubilo
Sa pananalanginang dako.
- Lyrics
- Vedasto DeMesa Diolanda probable · printed as VDDiolanda
- Music
- JHFillmore
Imnario page 145