130
O JESUS, PATNUBAYAN
Jesus Savior, Pilot Me
Saan man naruon, ikaw’y iingatan. Awit 121:8
1
O Jesus, patnubayan sa aking paglalakbay.
Dagat na nilalayag, masigwa’t mabagabag,
Sa panganib sa dagat, O Jesus, ay iligtas.
2
Karagatang masungit, ang sigwang nagngangalit,
Ang bagyong mapanganib, sa Iyo’y nakikinig.
Sa magiliw Mong tinig. ang lahat, tatahimik.
3
Sa wakas, kung matanaw ang pampangin ng buhay,
Kung sigwa ay hahadlang sa’king kapayapaan,
Nais kong mapakinggan tinig Mong mapagmahal.
Amen.
- Lyrics
- VGCabildo
- Music
- JEGould
Imnario page 146