Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Buhay Kristiano

133

ARAW-ARAW, BAWA’T ORAS

Day By Day

Ang aming pagkataong-loob ay nababago sa araw-araw. 2Cor.4:16

1

Araw-araw at sa bawa’t oras,

Sa mga pagsubok, may lakas.

Sa Amang habag at pagiingat,

Ang tiwala’y di naglilikat.

Puso N’ya’y puspos ng kahabagan

Ang pala’y pinakamainam

Magkahalong sakit, kasiyahan

Paggawa at kapahingahan.

2

Sa lahat ng araw S’ya’y malapit

Dulot ay habag bawat saglit

Pang-aliw sa aking mga hapis

Ngalan N’ya’y lunas sa hinagpis

Pag-iingat sa anak at yaman

Utos sa Kanyang katauhan

“Sa Iyo, lakas ay walang sukat,”

Ang pangakong sa aki’y gawad.

3

Sa bawat pagsubok ay tulungan

Sa pangako Mo ay manangan

H’wag magbago aking kaaliwan

Dulot ng Iyong wikang banal

Pangino’n, ako’y Iyong tulungan

Sa mga pagsubok ng buhay

Sa Iyong kamay ay h’wag iwalay

Sa ngayon at magpakailanman.

Lyrics
Rev. Honorio Rivera probable · printed as HRivera
Music
OAhnfelt

Imnario page 149