Pananampalataya at Pagtitiwala
134
HIRAP NG PUSO’Y DALHIN KAY JESUS
Heartaches
Tunay na Kaniyang dinala ang ating mga kapanglawan. Isa.53:4
1
Hirap ng puso’y dalhin kay Jesus,
Siya’y kaibigang mairog,
Kaagapay mo sa bawa’t kilos,
At kapayapaan ang dulot.
Chorus (Koro)
Lungkot dalhin mo kay Jesus,
Ngayo’y idulog at h’wag kang magbantulot,
Lungkot dalhin mo kay Jesus,
Hirap mo’y papawiing lubos.
2
May galak sa bawa’t salaghati,
May lunas sa bawa’t pighati,
Si Cristo’y manggagamot na tangi,
At handang saklolong palagi.
3
Alam ni Jesus ang suliranin,
Handang lumunas sa hilahil,
Manalig ka sa Kanyang paggiliw,
At ikaw ay pagagalingin.
- Lyrics
- Vedasto DeMesa Diolanda probable · printed as VDDiolanda
- Music
- AHAckley
Imnario page 150