Pananampalataya at Pagtitiwala
136
KAYLAN MA’Y DI TINALIKDAN
He Never Has Failed Me Yet
Ni isang pangako’y di Ko babawiin. Awit 89:34
1
Sa paglalakbay ko sa landas ng buhay,
Sa paglakad sa libis ng kahirapan,
Sa mga patibong, dulot ng kaaway,
Di ako pinabayaan.
Chorus (Koro)
Kaylanma’y di tinalikdan
Kaylanma’y di tinalikdan.
Lahat ng sabihin N’ya’y ginagampanan,
Kaylanma’y di tinalikdan.
2
Sa paglalakbay kong kasama si Jesus,
Ay sinusunod ko ang lahat N’yang utos.
Pinagtatagumpay sa lahat ng unos,
Di tinalikdan ni Jesus.
3
Sa kaaway o bukas walang pangamba,
At ligtas sa panganib sa’n man pumunta.
Sinumang magtiwala’y iingatan N’ya,
Kailanman ay tapat Siya.
- Lyrics
- Rev. Honorio Rivera probable · printed as HRivera
- Music
- WJHenry
Imnario page 152