Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Buhay Kristiano

137

DI NAGIISA

Never Alone

Hindi Ko kayo iiwang nagiisa. Juan 14:18

1

Kidlat ay nagsalimbayan, kulog ay napakinggan,

Katulad ng kasalanan ibig akong ihapay.

Tinig N’ya’y naulinigan: patuloy ang paglaban.

Nangakong hindi iiwan at di babayaan.

Chorus (Koro)

Di nagiisa, di nagiisa,

Siya ay laging kasama,

Laging kasama t’wina.

Di nagiisa, di nagiisa,

Siya ay laging kasama,

Laging kasama t’wina.

2

Tindig ng ihip ng hangin, tuksong lubhang matalim;

Payapa din ang damdamin pagka’t

S’ya ang kapiling.

Ako’y di magugupiling, S’ya’y sanggalang sa akin.

Ito ang Kanyang habilin: di N’ya lilisanin.

Lyrics
Rev. Arcadio Cabildo probable · printed as AGCabildo
Music
Di-kilala

Imnario page 153